I have seen her and meet her
several times, but this Mrs. Hanepbuhay has so many things still unknown to
everyone. Having the passion to serve
just like her husband Senator Manny Villar, Mrs. Cynthia Villar has spearheaded
activities that she think will best benefit the residents of Las Pinas
City. On the recent opening of Villar
Sipag - the Villar Social Institute of Poverty Alleviation & Governance
(SIPAG) along C-5 Extension in Pulang Lupa Uno, she once again proves that
poverty is not a hindrance if you just strive to be successful.
Mrs. Cynthia Villar deliver a
speech that I think should be known to everyone, so that they too will be
inspired as to what this lady had done.
Speech of Cynthia Villar
Inauguration of SIPAG
Dec. 13, 2012
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Magandang umaga sa inyong lahat! Natutuwa kaming makasama
kayong lahat sa inauguration ng ating Villar Social Institute for Poverty
Alleviation and Governance o SIPAG.
Bakit SIPAG? Kami— si Senador Manny Villar at ang aming
pamilya, ay naniniwala na ang kasipagan ay susi sa pag-ahon ng isang tao mula
sa kahirapan. Sipag at tiyaga—iyan ang mga katangian na pinahahalagahan namin
at naging malaking bahagi rin ng aming pag-angat sa buhay—personal man o
publiko.
Ang Villar SIPAG ay magsisilbing tahanan ng masipag na
pagpupunyagi ng ating mga mahihirap na mga kababayan—ang mga out-of-school youths,
ang mga kababaihan, ang mga OFWs, ang mga walang ng trabaho at kahit sino pa
man na nangangailangan ng kaalaman, impormasyon, pagsasanay, oportunidad,
patnubay at inspirasyon upang makaahon sa kahirapan.
Marami sa atin ang nangangarap at umaasa na ang kahirapan,
pagdating nga panahon, ay makikita na lamang sa mga museo. At sana ay hindi na
makakaranas ang mga darating na henerasyon ng kahirapan. Ngunit hindi tayo
pwede maghintay lang na dumating na lang ang pinakaasam na panahon na yan. Kailangan
natin kumilos upang makamit iyan.
Kung kaya ang Villar
SIPAG ay hindi lamang museo ng mga larawan, dokumento, libro at iba pa. Ngunit
meron din naman ng mga iyan dito—sa ating Poverty Alleviation Museum dahil ito
ay magiging sentro rin ng pananaliksik tungkol sa iba’t ibang aspeto ng
kahirapan. Dahil ang ating kaalaman ukol sa kahirapan ang magiging gabay natin
sa paghanap ng solusyon.
Ang Villar SIPAG ay magiging sentro ng mga aksyon at
aktibidad na konektado sa pagsugpo sa kahirapan. Katulad ng binanggit ko
kanina, magiging tahanan ito ng ating pagpupunyagi laban sa kahirapan. Bukas
ang pinto ng gusaling ito sa lahat ng ating mga masisipag na kababayan na
gustong magpursigi na iangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Tutulungan namin
sila dito.
Ang lahat ng bahagi ng gusaling ito ay pinag-isipan at
itinayo upang maging kapakina-pakinabang sa ating layunin na labanan ang
kahirapan.
Ang SIPAG Poverty Knowledge Management Center ay
magsisilbing library kung saan iipunin ang mga reference at reading materials
na maaaring gamitin ng publiko, lalong lalo na ng mga estudyante, iskolar,
mamamahayag (press people) at iba pang grupo na nais manaliksik tungkol sa
paglaban sa kahirapan (poverty reduction), usaping pangkabuhayan (livelihood
generation), pagnenegosyo at iba pang katulad na mga paksa.
Ang mga Training Rooms ay gagamitin upang magbigay na
kaukulang kaalaman at pagsasanay sa ating mga kababayan tungkol sa oportunidad
na pang-hanapbuhay, pagnenegosyo at iba pang pagkakakitaan nila. Mag-iimbita
tayo ng mga eksperto upang turuan sila.
Ang Mini Theater at Reception Hall ay magiging venue ng mga
pagtitipon at mga programa (conferences, conventions, performances o symposium)
na tumatalakay pa rin sa isyu ng kahirapan. Maaari tayo magkaroon diyan ng mga
film-showing at iba pang events o gatherings.
Samantala, may itinayo rin tayo na Nacionalista Party Museum
na magpapakita ng mga memorabilia, dokumento, larawan at iba pa ng itinuturing
na ‘oldest political party’ ng ating bansa. Napakagandang pagbabalik-tanaw iyan
sa mga naging lider ng partido—ang kanilang mga accomplishments—at syempre ang
mga naging pagpupunyagi rin ng mga miyembro nito.
“Ang Bayan Higit sa Lahat’ ang popular na motto ng
Nacionalista Party, naayon sa paninindigan na ipaglaban ang kapakanan ng
bayan, higit sa ano pa man na interest, ay ang pagnanais din na palayain mula
sa kahirapan ang ating kapwa Pilipino. Iyang kalayaan na yan ang kinakailangan
natin sa panahon na ito at matagal ng minimithi ng marami sa atin.
Ang Villar SIPAG ay tahanan nating lahat—ang mga mahihirap
na gustong makalaya mula sa kahirapan; ang mga indibidwal at mga organisasyon
na gusto tulungan ang mga mahihirap; ang mga public servants na layunin at
tungkulin na iahon sa kahirapan ang ating mga naghihikahos na mga kababayan. Lahat
kayo ay welcome dito…
Hangad namin na ang Villar SIPAG magiging saksi rin sa
tagumpay ng lahat ng ating mga pagpupursigi at pagpupunyagi upang labanan at
tapusin ang kahirapan, pagdating ng panahon. At ang mga nagsipagtagumpay na sa
buhay dahil sa Villar SIPAG ay sila naman ang aakay at gagabay sa iba na
makaahon din sa hirap. Kapag mas maraming tao ang nagtutulungan, ang tanikala
ng kahirapan na pumapatay sa pangarap ng marami nating mga kababayan ay
magiging tanikala ng pagtutulungan na muling magbibigay sa kanila ng
pag-asa.
Magandang umaga sa inyong lahat!
No comments :
Post a Comment